Sunday, September 9, 2012

Ang Aking Pananaw sa Kuwentong Paputian ng Laba.

Noong nakaraang linggo ay napagusapin ng klase ang kuwentong Paputian ng Laba. Aaminin ko na noong una kong nakita ang babasahing kuwento ay medyo nawalan ako ng gana. Ang dami ko pang gawain at medyo maraming mga pahina at maliit ang mga titik. Nahirapan rin ako sa pag-intindi ng unang mga parte ng kuwento dahil hindi ko pa nakikita ang theme nito. Sapagkat, noong medyo nasa gitna na ako ng pagbabasa ng Paputian ng Laba, nakita ko na ang ibig ipahayag ng manunulat. Ang iba't ibang mga elemento ng kuwento ay tumulong sa pagpapahayag ng isang realidad sa ating bansa.

Ang maikling kuwento na ito ay tungkol sa isang batang babae na nangangalang Lailani. Si Lailani ay maituturing na kasama ng mga masa sa Pilipinas. Hindi mayaman ang kanyang pamilya. Sa totoo masasabi na sila ay mga mahirap na mamamayan. Ang mga ebidensya dito ay ang noong ibinanggit sa kuwentona labandera lamang ang lanyang nanay, ang kanyang tatay ay isang magnanakaw, at hindi masaydong maganda ang kanilang tinitirahan. Si Lailani ay 16- taong gulang at siya ay may pangarap na maging isang artista. Mas naging ebidente ang pangarap na ito noong napili ang bahay nila para sa shooting ng isang teleserye. Sa totoo lamang, nahinayang ako kay Lailani dahil isa siyang matalinong bata. Mahilig siyang magbasa at nakikita ko sa kanyang mga sagot sa mga tv hosts na matalino siya. Hindi lamang basta-basta ang kanyang mga sinasagot. Naihahambing niya ang kanyang sariling mga opinyon at sariling buhay sa teleserye (Dakila, Busilak, at Wagas). Nahinayang ako na isang bata na puwedeng magkaroon ng isang matagumpay na kinabukasan sa iba't ibang mga propesyon ay masasayang sa mga panaginip na maging isang artista.

Sa aking mga personal na karanasan, marami na rin akong nakilalang mga tao na nais maging isang artista. Hindi ko sinasabing masama maging isang artista pero parang pagtinignan ang totoong kalagayan ng isang artista sa Pilipinas, makikita na mababaw ito. Minsan hindi ka na kinukuha maging artista dahil magaling ka umarte pero dahil may itsura ka. Noon ay nagtuturo ako sa isang public school at masasabi ko na halos 3/4 ng mga bata doon ay ang pangarap sa buhay ay maging isang artista. Ang kanilang mga magulang pa ang tumutulak ng pangarap na ito. Kahit sa mga pangalan nila ay halatang halata na ito. John Llloyd, Sarah, Shaina, Angelica. Luis at iba pa! Makikita natin sa kuwento at sa totoong buhay na ang identidad ng maraming Pilipino ay ang identidad ng kanilang mga hinahangaang mga artista. Ganito ba talaga ang nais natin na maging reputasyon ng ating bansa?

Ang kasukdulan ng kuwento ay noong nabigyan si Lailana ng pagkakataon na maging artista! Ito ay noong sumali siya ng paligsahan ng paputian ng laba. Ang mananalo ay ang magiging double ni Jodi sa teleserye. Mahusay si Lailani at magaling siya sumagot sa mga tanong. Sa isip niya ito na! Ito na ang kanyang pagkakataon na maging isang artista! Magiging mayaman na sila! Subalit, hindi natupad ang kanyang mga pangarap dahil ninakaw ng tatay ni Lailani ang pera. Sa pangyayaring ito nanakaw na rin ang kanyang pangarap. Ito ang realidad ng buhay na naranasan ni Lailani. Tama lang naman. Ilan ba sa libo libong mga nais maging artista ay totoong nagiging isang artista. Isa. Dalawa. Halos wala.

Nagustuhan ko ang kuwento kahit malungkot ang katapusan nito. Maraming mga kuwentong tinatawag kong "cinderella stories". Masasaya ang katapusan pero minsan ay hindi naman nagpapakita ng totoong kondisyon ng buhay. Ang Paputian ng Laba ay isang kuwento na nagpapakita ng realidad ng buhay at pinapaala sa atin na hindi madali ang buhay o kung sasabihin sa Ingles "Life isn't a bed of roses."

4 comments:

  1. Marami pang typo rito at maaari pang iangat ang kabatiran lampas sa nasabi na nga ng sinipi mong kasabihan sa dulo ng entry.

    ReplyDelete
  2. saan po pwede makakuha ng soft copy please

    ReplyDelete