Noong nakaraang linggo ay
napaisip ako tungkol sa pinag-usapan sa Fil 11. Ipinaliwanag kasi ng propesor
ang pagkakakiba ng siyensya at ng sining, lalong-lalo na sa pagbibigay
kahulugan sa isang bagay.
Kapag ginamit ang
perspektibo ng siyensya ay iisa lamang dapat ang kahulugan. Hindi ito
nagpapalit kapag walang ebidensiyang nakikita laban dito. Ngunit, sa sining ay
mayroong pluralidad ng kahulugan. Nabanggit din sa leksyon na may
"longstanding divide" ang dalawang akdang ito.
Para sa akin, nakikita ang pagkakaiba
ng dalawang ito hindi lamang sa kanilang mga
kahulugan ngunit pati na rin sa paghiwalay ng mga paksa na nasa ilalim ng bawat
isa. Ang paghiwalay sa mga unibersidad ng kursong Artium Baccalaureatus (AB) at ScientiƦ Baccalaureus (BS) ay
ebidensya nito.
Ang tanong
ngayon ay, “Mas importante ba ang
siyensya sa panitikan?” Matagal nang debate tungkol sa kung ano ang higit na mahalaga sa dalawa. Mas maganda ba
na matalino ang isang bata sa matematika o kaya mas napapahanga ba ang mga tao kung siya ay mahusay tumula, sumayaw o kumanta?
Una ay
depende ito sa kultura ng isang tao o sa mga karanasan nila sa kanilang
paglaki. Halimbawa, ako ay lumaki sa isang Tsino na pamilya at kung
magtatanong kayo sa aking tatay, nanay, mga kapatid, lolo, lola, mga tito at tita, sasabihin nila sa inyo na isang
BS na kurso ang kinuha o kukunin nila sa kolehiyo. Samakatuwid, noong pumipili ako ng
kurso ay sinabihan nila ako na BS din
dapat ang aking kukunin.
Bakit
kaya? Mas praktikal daw kasi ang isang BS na kurso. Mas mainam daw na ako ay
maging isang negosyante kung saan BS Management ang kukunin ko o kaya maging isang doktor kung saan BS
Biology naman ang aking magiging kurso.
Naramdaman
ko na naging limitado ang aking kinabukasan. Sinabi ko sa aking sarili
"Ito na ba iyon?" Hindi ba ako p'wedeng kumuha ng AB Communications o kaya AB European
Studies dahil lamang ito ay mga AB
na kurso? Parang nasaraduhan ng
pinto ang isa sa aking mga posibleng propesyon.
Subalit,
hindi ko masisisi ang aking pamilya dahil nasa kultura ng mga Tsino na maging
tumpak. Ayon sa aking ina, ang mga
BS na kurso ay partikular at eksakto. May "gauge" o sukat daw kasi
ang mga ito. Sa pag-aaral ng siyensya, walang duda ang isang tao na isa lang
ang kahulugan ng mga bagay. Kung baga, iisa lamang ang sagot sa isang tanong at
ang ganitong klaseng pag-iisip ay ang
mas gusto ng mga Tsino.
Ngunit, iba naman ang epekto ng kulturang Pilipino sa pananaw ng mga Pinoy ukol sa sining at siyensiya. Labis na bukas ang mga Pinoy sa sining at sa mga AB na kurso. Halimbawa, noong nakaraang taon ay nabigyan ako ng pagkakataon na magturo sa mga batang Pilipino sa isang pampublikong paaralan. Walang isa sa mga batang ito ay hindi marunong kumanta, sumayaw, umarte, o tumula. Subalit, ang maganda sa mga Pinoy ay hindi sila sarado sa pagkuha ng isang BS na kurso kahit pinupuri nila ang sining. Sa gayon, sila ay nagkakaroon ng labis-labis na oportunidad.
Ngunit, iba naman ang epekto ng kulturang Pilipino sa pananaw ng mga Pinoy ukol sa sining at siyensiya. Labis na bukas ang mga Pinoy sa sining at sa mga AB na kurso. Halimbawa, noong nakaraang taon ay nabigyan ako ng pagkakataon na magturo sa mga batang Pilipino sa isang pampublikong paaralan. Walang isa sa mga batang ito ay hindi marunong kumanta, sumayaw, umarte, o tumula. Subalit, ang maganda sa mga Pinoy ay hindi sila sarado sa pagkuha ng isang BS na kurso kahit pinupuri nila ang sining. Sa gayon, sila ay nagkakaroon ng labis-labis na oportunidad.
Pangalawa,
ang halaga ng isang kurso ay naghihikayat din sa pananaw o personal na
opinyon ng isang tao. Ang malungkot dito ay kapag ang personal na opinyon na
ito ay apektado na ng mga opinyon ng iba. Tinanong
ko sa aking mga kaibigan na magtatapos na ng hayskul ang tanong na ito… “Anong kurso ang kukunin ninyo sa kolehiyo. AB
o BS?” Sagot nila sa akin "Ano ka ba? Malamang BS!" Tapos susundan
ito ng "Wait lang, ano ba ang pagkakaiba nila? Mayroon nga bang pagkakaiba?" Hindi ko alam kung matatawa ako
o magugulat na lang. Hindi pala nila alam ang kahulugan ng AB pero BS na kaagad
ang pipiliin nila. May kasabihan sa Ingles na "Stick with the status quo!". Parang naging isang "status
quo" na rin ang pagkuha ng BS sa kolehiyo. Ibig sabihin ay hindi na
tumitigil ang mga tao para magtanong. Maihahambing sila sa isang grupo ng mga
pato na sunodsunuran lamang.
Naririnig ng mga estudyanteng ito na mas mabuti ang BS. Mas matalino ka raw kapag BS ang kurso mo.
Magiging maganda raw ang trabaho na
mapapasukan nila kapag sila ay nagtapos ng BS Nursing, BS Management, BS HRM,at
iba ba. BS BS BS! Halos BS na lang ang naririnig ko.
Sabi ng
maraming tao na ang pera ay nasa BS. Kung gayon, ibig sabihin na mas lamang ka
kapag BS ang kurso mo. Sapagkat, hindi ba pera ang nagpapaikot sa mundo?
Sa gayon,
hindi mahirap madala sa kaisipan na higit na mahalaga ang isang BS na kurso.
Hindi rin naman nais ipahiwatig na mas mahalaga ang AB na kurso. Nakalimutan na
ata ng mga tao na kailangan natin ng balanse sa buhay. AB at BS.
Hindi
ganito...
Hindi rin
ganito...
Ganito ang nais ko
mangyari!
Alam natin
na may "longstanding divide" ang siyensya at ang sining. Katulad ng
mga parisukat sa larawan, magkaiba ang dalawa at kahit ano pa ang gawin natin
ay hindi talaga sila magiging magkapareho.
Ang pagkakaiba ng BS at AB ay ang nagbibigay
halaga sa bawa’t isa. Naniniwala ako na ang isang tao ay dapat may mga kaalaman sa siyensya AT sa panitikan sa kanyang edukasyon.
Magagamit ang elemento ng agham sa isang propesyong pangsining at gayon din sa
kabaligtaran.
Isang
halimbawa ng pagsasama ng agaham at sining ay tinatawag na "The Golden
Ratio". Sa alam natin, ang kagandahan ay nakabase sa ating sariling mga
sensibilidad. Subalit, sinasabi ng mga ilang siyentipiko na nasusukat ang
kagandahan gamit ang matematika. Napatunayan nila na kung may simetrya at
proporsyonado ang sukat ng mukha ng isang tao ay mas maganda ang taong ito.
Ang link na ito ay magbibigay paliwanag: The Golden Ratio
Ang
pag-aaral ng kagandahan gamit ang matematika ay isang paraan kung saan
nagsasama ang sining at ang agham. Posible nga ito. Sa katunayan, nais ko na
mag-aral sa ADMU dahil ang mga asignatura ay binubuo ng sining at ng agaham.
Binibigyan diin ang "core curriculum" at hindi lang ang mga madyor na
asignatura. Kasama sa "core curriculum" ang pilosopiya, aghambuhay, literatura, Filipino, sipnayan, sikolohiya, at iba pa. Para sa akin, higit na
magigiging mahusay ang isang tao kapag balanse ang dalawa sa kanyang buhay.
Sa Outliers, isang libro na isinulat ni Malcolm Gladwell, may binabanggit siyang ilang pinakamatanyag na
mga tao sa mundo. Iba-iba ang kanilang mga propesyon. May mga musikero,
milyonaryong negosyante, at mga
henyo sa pagdisenyo ng computer. Nabanggit niya sina Bill
Gates, the Beatles, J. Robert Oppenheimer, at
iba pa. Katibayan ang mga
taong ito na hindi mo kailangang pumili nang isang AB o kaya isang BS na kurso sa
kolehiyo para magtagumpay sa
buhay. Patas lang ang dalawang
ito.
Sa
kabuluhan, ang mga kursong AB at kursong BS ay parehong may kabuluhan sa edukasyon
ng isang tao. Ang dalawa ay nagbibigay timbang sa kaalaman at kakayahan ng
isang mag-aaral. Sa katunayan, maihahambing ito sa yin at yang na simbolo. Mahirap sila ipagsama. May mga
nagsasabi na hindi sila puwedeng
ipagsabay. Subalit, ako ay naniniwala na kapag
nahanap natin ang kanilang akma na posisyon ay magiging buo ang edukasyon.
Binibigyan kita ng pagkakataong rebisahin ito sang-ayon sa ating "Checklist." May ilan pang pagkakamali rito, tulad ng "pinagusapan" na dapat ay may gitling, pagkakaiba ng paggamit sa nahanap at nakita, paglalagay ng kudlit sa "pwede," paggamit ng italics sa pamagat ng aklat (hindi panipi), at iba pa. Tiyaking naisaayos nang mabuti ito bago muling ipasa ang link sa akin. Salamat!
ReplyDeleteSige, Alex, binibigyan na kita ng isang markang pagtaas para rito. Pagbati!
ReplyDelete