Sa buong semestre ang kahalagahan ng SALITA ay ang pinagusapan sa Fil 11. Para sa huling blog entry ko ay pinagsama ko ang dalawang pagsasanay na ginawa sa klase, ang kuwentong 6x6 at ang eksperimental na pagbuo ng larawan sa mga binaklas na salita.:)
Si Anna ay hindi kailanman nagsalita.
Ang kanyang takot ay ang kahiyaan.
Lumapit sa kanya ang kanyang lola.
"Iha, dulot ng salita ang kapangyarihan."
Talagang napaisip siya nitong magandang payo.
Ang kanyang boses ay narinig na!
Ang mga muni-muni ng isang estudyante sa Fil 11...
Monday, October 8, 2012
Sunday, September 23, 2012
Alaxan atbp.
May ibinigay na hamon sa akin ang aking kaibigan. Kailangan
ko raw gumawa ng isang maikling kuwento tungkol sa dalawang tauhan. Si Anna at
si Anton. Ito ang mga katangian ng dalawa na kailangang maging bahagi ng kuwento
Anna = Estudyante
sa UP Diliman, anak ni “Manang”na ang may-ari ng sari-sari store sa UP, BA
Social Work ang kanyang kurso, Presidente ng Bantay Bata at ng UP Auxiliary,
Mahilig tumambay sa isaw stall sa tabi ng Palma Hall, responsible at mabait na
bata, aalis na para magtrabaho para sa isang NGO sa Mindoro
Anton = Mayaman,
mayroong mga bahay sa Forbes at Corinthians, coño, guwapo, ayaw sa mga sari-sari
store, sa salitang “barkada” at sa tsinelas, ang kanyang kotse ay isang
Lamborghini o Maserati
Kailangan daw gumamit ng isang “unreliable point of view”.
Ibig sabihin nito ay ang tauhan na nagkukuwento ng kuwento ay maaring
naguguluhan o nalilito.
Naisip ko na isulat ang kuwneto sa pananaw ni “Manang”. Ito
ang maikling kuwento na nasulat ko:
Alaxan
Nasaan
ako? Ah! Nandito ako sa aking kuwarto sa taas ng aking sari-sari istor.
Araaayy! Dios ko naman! Ang ulo ko! Ang sakit. Nananaginip ata ako! Para akong
malulunod sa aking mga ala-ala. Sandali lang. Ano itong hawak ko? Hiringgilya!
Droga ba ito? Hindi na ako umiinom ng pills ah! Hmmm…nakakapagtaka…Matagal na
akong hindi nagdrudrugs! Sinubukan kong isaayos ang aking mga iniisip.
Naririnig ko na ang aking mga kustomer! May mga tao na sa aking tindahan! Gusto
na ata nilang bumili ng chichiria at Milo! Naririnig ko sila “Manang! Manang!”
sigaw nila. Ay! Natatandaan ko na! Alam ko na! Kailangan kong ayusin ang aking
tindahan! Kailangan kong ayusin ang listahan ng mga produkto. May mga kailagan
akong ayusin at kailangan ko na bumili ng mga biskwit! Sandali lamang hindi ba
nagawa ko na ito? Kahapon? Noong Huwebes ba? Teka lang! Huwebes ba kahapon?
Hindi, hindi. Sigurado ako na Biyernes kahapon. Pero kung Biyernes kahapon
tapos Huwebes ako pumunta ng supermarket e di ano ang nangyari kahapon? Hay!
Bahala na hindi ko na alam. May tumatawag galing sa ibaba. Bakit hindi inaasikaso
ni Anna? Anna! Ang minamahal ko na anak! Siya na siguro ang aking iisang
tagumpay sa buhay. Natutuwa ako na nakakatulong siya sa mga ibang tao! Tignan
mo iyon! UP na tapos BA Social Work pa ang kanyang kurso! Anghel talaga iyong
batang iyon! Presidente pa ng Bantay Bata at ng UP Auxilliary. Bata pa lamang
siya ay natutuwa ako dahil alam niya ang kahalagahan ng buhay! Hindi kagaya sa
akin noong bata ako. Drugs lamang ang inaatupag. Araw-araw pupunta ng mga club, magdamag sumasayaw at umiinom!
Hanggang isang araw ay nabuntis ako! Ay! Wala na ako masyado naaalala! Nanganak
ako! Ang ganda ni Anna…pero sandal lang! Nahihilo na naman ako… dalawang
malalaking mga mata na kakulay ng karamelo na kendi na ibinibenta ko sa aking tindahan. Dalawang
pares ng kamay, dalawang mga labi at mukha! May isa pa ba? Si Anna lamang diba?
Diba? Diba? Dalawa. Natatandaan ko na. Pinangalanang ko sila, si Budoy ang panganay at ang
pangalawa ay si Anna…ang sakit ng ulo ko. Iyong mga droga na iyan ay parang
iyong mga iniinom ko noon pero tumigil ako… Hininto ko ang pagiging isang addict
dahil…dahil…kay Anna! Ano ulit ang kailangan kong gawin? Ah! Ang despedida ni
Anna! Sabi ng aking kumare na nagbebenta ng isaw sa may Palma Hall ay natanggap daw si Anna ng isang NGO sa Mindoro. Hindi pa niya ibinabanggit sa akin… bakit
kaya? Baka nag-aalala siya na umiyak na naman ako. Ang baby ko ay nagiging
dalaga na! Mamimiss ko talaga siya! Sapagkat, kami lamang ang bumubuo ng
isang pamilya sa mga nakalipas na taon. Si Anna ang rason kung bakit ako
nagbago ng buhay…pagkatapos…pagkatapos na ibinigay ko sa iba ang aking anak!
Paano ko nagawa iyon?! Isa akong salbaheng nanay!!! Hindi ako karapat dapat
mabuhay! Huminga ka…okay lang iyon…sabi nila na aalangaan daw nila ang aking
anak. Nagtiwala ako sa kanila! Bakit hindi? Sa Forbes naman sila nakatira at
ang laki ng halaga ng pera na ibinigay nila sa akin! Ay! Ang pera! Ang daming
pera! Ang aking Budoy ay magiging mayaman na! Hindi ako makatanggi dahil
kailangan ko ang pera para masimulan ko ang aking negosyo sa UP. ARAY!
Aaaarrrrraaaaayyyyy! Aaaaarrrruuuuuyyyyy! Ngayon masakit na ang aking katawan.
Ganun na ba ako katanda? Kailangan ko ng gamot. Nasaan na iyong banig ng
Alaxan? Ano ba iyong inaalala ko? Ah! Aaalis na pala si Anna papuntang Mindoro.
Hindi pa niya sinasabi sa akin pero kahapon… naalala ko na ang nangyari
kahapon! May isang pulang kotse sa labas ng aking tindahan. Aba! Lamborghini
pa! Mahal iyon! Sosyal! May ipapakilala raw si Anna sa akin. Binata. Ang pangalan niya ay
Anton at ang kanyang mga malalaki na mata ay kulay-karamelo katulad ng mga mata
ni Anna. Guwapo! Ha! Natuwa ako! Dalaga na talaga ang aking baby! Nagtaka ako
kung nanliligaw ba si Anton kay Anna. Maganda ‘yun! Parang anak-mayaman kasi.
Baka hindi na niya kailangang umalis papuntang Mindoro. Pero magkakakilala lamang pala
sila ni Anna dahil sa Bantay Bata. Nagbibigay kasi si Anton ng donasyon sa
Bantay Bata. Ikinuwento ni Anton na malapit sa kanyang puso ito dahil siya
mismo ay ampon. Sabi ni Anna na nagkakilala daw sila sa isang "fundreyser", kung ano man iyon.
Malabo dawn na maging sila dahil may gerlprend na si Anton. Nandito lamang siya
para magbigay ng isang tseke. Gayon pa man, kinausap ko pa rin siya. Malay mo
magbrek sila ng gerlprend niya. Noong nag-uusap kami sabi niya na ang
ganda-ganda raw ng aking tindahan at tinitignan niya ang aking tsinelas!
Tinanong ko sa kanya “O, magkabarkada ba kayo ni Anna?” Sagot niya “Sorry, I
don’t speak Filipino”. Ay! Coño pala! Hay! Okey lang pala na may
gerlprend na siya. Masyado siyang suplada para sa aking Anna. Tinanong ko sa
kanya kung saan siya nakatira. Forbes daw minsan sa Corinthians. Sosyal talaga
itong batang ‘to ha! Teka lamang. Parang may natatandaan ako. Forbes…hindi ba
doon…”MANANG!” May sumigaw bigla galing sa ibaba. Aray! Ang aking ulo! Nasaan na
ba iyong Alaxan?! Bakit hindi ko mahanap?! Bumaba ako ng hagdanan at nakita ko
ang aking kumare, ang aling na nagbebenta ng isaw sa may Palma Hall. “Kanina pa
kita tinatawag manang!” daldal siya ng daldal! Sana tumigil na lamang siya, ang
sakit kasi ng ulo ko. Gusto ko uminom ng Alaxan. Bakit ba siya nandito? Hindi
ko ba siya nakita kahapon habang kinakausap ko si Anton at Anna. Oo nga!
Nakausap ko siya! Naalala ko iyon! Pumunta siya sa aking tindahan dahil nais
niyang bumili ng suka at toyo para sa kanyang isaw. Nakita niya si Anna at
sinabi niya “Anna! Manang! Kamusta na kayo? Sino itong lalaking ito? Ang guwapo
naman! Pero alam ninyo parang magkahawig kayong dalawa. Para bang magkambal na
pinaghiwalay!” natatawa niyang sinabi. Naalala ko ang mukha ni Anton, tapos
naalala ko ang mukha ni Anna… OW! ARAY! Dios ko! Sasabog na ang aking ulo! Bakit ako nagdrugs kahapon!? NASAAN NA IYONG ALAXAN? Ano ba iyong sinusubukan
ko na maalala? Ano ba iyon? Ahh, ang tindahan ko, ang despedida ni Anna, tapos
ito na naman ang aking madaldal na kumare! Mayroon pa ba? Ikinamot ko ang aking
ulo. Hindi ko na matandaan... Bahala na! Marami pa akong gagawin! Wala akong
oras para dito! Binuksan ko ang aparador habang sumisigaw na ““Anna! Anak, nasaan
na iyong Alaxan?” Nasaan… ay hindi na bale, nahanap ko na pala.
Sunday, September 16, 2012
Ang Pagong at Ang Matsing
Napagusapan namin sa klase ang isang kuwento tungkol sa isang pagong at isang matsing. Naalala ko ang kuwento ito dahil noong bata kami ng aking mga kapatid ay ikinuwento ng nanay namin ito sa amin. Ngayon ko lamang natuklasan ang leksyon ng kuwento at nabigyan pansin ang iba't ibang mga detyale nito:) Ito ay isang kanta na ginawa ko:) Sana ay magustuhan ninyo:)
Ang kuwento ni Pagong at ni Matsing sa isang kanta...
isinulat at inilathala ni Alex Lao
ikinanta ni Samantha Sy :)
Ang kuwento ni Pagong at ni Matsing sa isang kanta...
ikinanta ni Samantha Sy :)
Sunday, September 9, 2012
Ang Aking Pananaw sa Kuwentong Paputian ng Laba.
Noong nakaraang linggo ay napagusapin ng klase ang kuwentong Paputian ng Laba. Aaminin ko na noong una kong nakita ang babasahing kuwento ay medyo nawalan ako ng gana. Ang dami ko pang gawain at medyo maraming mga pahina at maliit ang mga titik. Nahirapan rin ako sa pag-intindi ng unang mga parte ng kuwento dahil hindi ko pa nakikita ang theme nito. Sapagkat, noong medyo nasa gitna na ako ng pagbabasa ng Paputian ng Laba, nakita ko na ang ibig ipahayag ng manunulat. Ang iba't ibang mga elemento ng kuwento ay tumulong sa pagpapahayag ng isang realidad sa ating bansa.
Ang maikling kuwento na ito ay tungkol sa isang batang babae na nangangalang Lailani. Si Lailani ay maituturing na kasama ng mga masa sa Pilipinas. Hindi mayaman ang kanyang pamilya. Sa totoo masasabi na sila ay mga mahirap na mamamayan. Ang mga ebidensya dito ay ang noong ibinanggit sa kuwentona labandera lamang ang lanyang nanay, ang kanyang tatay ay isang magnanakaw, at hindi masaydong maganda ang kanilang tinitirahan. Si Lailani ay 16- taong gulang at siya ay may pangarap na maging isang artista. Mas naging ebidente ang pangarap na ito noong napili ang bahay nila para sa shooting ng isang teleserye. Sa totoo lamang, nahinayang ako kay Lailani dahil isa siyang matalinong bata. Mahilig siyang magbasa at nakikita ko sa kanyang mga sagot sa mga tv hosts na matalino siya. Hindi lamang basta-basta ang kanyang mga sinasagot. Naihahambing niya ang kanyang sariling mga opinyon at sariling buhay sa teleserye (Dakila, Busilak, at Wagas). Nahinayang ako na isang bata na puwedeng magkaroon ng isang matagumpay na kinabukasan sa iba't ibang mga propesyon ay masasayang sa mga panaginip na maging isang artista.
Sa aking mga personal na karanasan, marami na rin akong nakilalang mga tao na nais maging isang artista. Hindi ko sinasabing masama maging isang artista pero parang pagtinignan ang totoong kalagayan ng isang artista sa Pilipinas, makikita na mababaw ito. Minsan hindi ka na kinukuha maging artista dahil magaling ka umarte pero dahil may itsura ka. Noon ay nagtuturo ako sa isang public school at masasabi ko na halos 3/4 ng mga bata doon ay ang pangarap sa buhay ay maging isang artista. Ang kanilang mga magulang pa ang tumutulak ng pangarap na ito. Kahit sa mga pangalan nila ay halatang halata na ito. John Llloyd, Sarah, Shaina, Angelica. Luis at iba pa! Makikita natin sa kuwento at sa totoong buhay na ang identidad ng maraming Pilipino ay ang identidad ng kanilang mga hinahangaang mga artista. Ganito ba talaga ang nais natin na maging reputasyon ng ating bansa?
Ang kasukdulan ng kuwento ay noong nabigyan si Lailana ng pagkakataon na maging artista! Ito ay noong sumali siya ng paligsahan ng paputian ng laba. Ang mananalo ay ang magiging double ni Jodi sa teleserye. Mahusay si Lailani at magaling siya sumagot sa mga tanong. Sa isip niya ito na! Ito na ang kanyang pagkakataon na maging isang artista! Magiging mayaman na sila! Subalit, hindi natupad ang kanyang mga pangarap dahil ninakaw ng tatay ni Lailani ang pera. Sa pangyayaring ito nanakaw na rin ang kanyang pangarap. Ito ang realidad ng buhay na naranasan ni Lailani. Tama lang naman. Ilan ba sa libo libong mga nais maging artista ay totoong nagiging isang artista. Isa. Dalawa. Halos wala.
Nagustuhan ko ang kuwento kahit malungkot ang katapusan nito. Maraming mga kuwentong tinatawag kong "cinderella stories". Masasaya ang katapusan pero minsan ay hindi naman nagpapakita ng totoong kondisyon ng buhay. Ang Paputian ng Laba ay isang kuwento na nagpapakita ng realidad ng buhay at pinapaala sa atin na hindi madali ang buhay o kung sasabihin sa Ingles "Life isn't a bed of roses."
Sa aking mga personal na karanasan, marami na rin akong nakilalang mga tao na nais maging isang artista. Hindi ko sinasabing masama maging isang artista pero parang pagtinignan ang totoong kalagayan ng isang artista sa Pilipinas, makikita na mababaw ito. Minsan hindi ka na kinukuha maging artista dahil magaling ka umarte pero dahil may itsura ka. Noon ay nagtuturo ako sa isang public school at masasabi ko na halos 3/4 ng mga bata doon ay ang pangarap sa buhay ay maging isang artista. Ang kanilang mga magulang pa ang tumutulak ng pangarap na ito. Kahit sa mga pangalan nila ay halatang halata na ito. John Llloyd, Sarah, Shaina, Angelica. Luis at iba pa! Makikita natin sa kuwento at sa totoong buhay na ang identidad ng maraming Pilipino ay ang identidad ng kanilang mga hinahangaang mga artista. Ganito ba talaga ang nais natin na maging reputasyon ng ating bansa?
Ang kasukdulan ng kuwento ay noong nabigyan si Lailana ng pagkakataon na maging artista! Ito ay noong sumali siya ng paligsahan ng paputian ng laba. Ang mananalo ay ang magiging double ni Jodi sa teleserye. Mahusay si Lailani at magaling siya sumagot sa mga tanong. Sa isip niya ito na! Ito na ang kanyang pagkakataon na maging isang artista! Magiging mayaman na sila! Subalit, hindi natupad ang kanyang mga pangarap dahil ninakaw ng tatay ni Lailani ang pera. Sa pangyayaring ito nanakaw na rin ang kanyang pangarap. Ito ang realidad ng buhay na naranasan ni Lailani. Tama lang naman. Ilan ba sa libo libong mga nais maging artista ay totoong nagiging isang artista. Isa. Dalawa. Halos wala.
Nagustuhan ko ang kuwento kahit malungkot ang katapusan nito. Maraming mga kuwentong tinatawag kong "cinderella stories". Masasaya ang katapusan pero minsan ay hindi naman nagpapakita ng totoong kondisyon ng buhay. Ang Paputian ng Laba ay isang kuwento na nagpapakita ng realidad ng buhay at pinapaala sa atin na hindi madali ang buhay o kung sasabihin sa Ingles "Life isn't a bed of roses."
Friday, August 3, 2012
Journal Entry # 1
Noong nakaraang linggo ay
napaisip ako tungkol sa pinag-usapan sa Fil 11. Ipinaliwanag kasi ng propesor
ang pagkakakiba ng siyensya at ng sining, lalong-lalo na sa pagbibigay
kahulugan sa isang bagay.
Kapag ginamit ang
perspektibo ng siyensya ay iisa lamang dapat ang kahulugan. Hindi ito
nagpapalit kapag walang ebidensiyang nakikita laban dito. Ngunit, sa sining ay
mayroong pluralidad ng kahulugan. Nabanggit din sa leksyon na may
"longstanding divide" ang dalawang akdang ito.
Para sa akin, nakikita ang pagkakaiba
ng dalawang ito hindi lamang sa kanilang mga
kahulugan ngunit pati na rin sa paghiwalay ng mga paksa na nasa ilalim ng bawat
isa. Ang paghiwalay sa mga unibersidad ng kursong Artium Baccalaureatus (AB) at Scientiæ Baccalaureus (BS) ay
ebidensya nito.
Ang tanong
ngayon ay, “Mas importante ba ang
siyensya sa panitikan?” Matagal nang debate tungkol sa kung ano ang higit na mahalaga sa dalawa. Mas maganda ba
na matalino ang isang bata sa matematika o kaya mas napapahanga ba ang mga tao kung siya ay mahusay tumula, sumayaw o kumanta?
Una ay
depende ito sa kultura ng isang tao o sa mga karanasan nila sa kanilang
paglaki. Halimbawa, ako ay lumaki sa isang Tsino na pamilya at kung
magtatanong kayo sa aking tatay, nanay, mga kapatid, lolo, lola, mga tito at tita, sasabihin nila sa inyo na isang
BS na kurso ang kinuha o kukunin nila sa kolehiyo. Samakatuwid, noong pumipili ako ng
kurso ay sinabihan nila ako na BS din
dapat ang aking kukunin.
Bakit
kaya? Mas praktikal daw kasi ang isang BS na kurso. Mas mainam daw na ako ay
maging isang negosyante kung saan BS Management ang kukunin ko o kaya maging isang doktor kung saan BS
Biology naman ang aking magiging kurso.
Naramdaman
ko na naging limitado ang aking kinabukasan. Sinabi ko sa aking sarili
"Ito na ba iyon?" Hindi ba ako p'wedeng kumuha ng AB Communications o kaya AB European
Studies dahil lamang ito ay mga AB
na kurso? Parang nasaraduhan ng
pinto ang isa sa aking mga posibleng propesyon.
Subalit,
hindi ko masisisi ang aking pamilya dahil nasa kultura ng mga Tsino na maging
tumpak. Ayon sa aking ina, ang mga
BS na kurso ay partikular at eksakto. May "gauge" o sukat daw kasi
ang mga ito. Sa pag-aaral ng siyensya, walang duda ang isang tao na isa lang
ang kahulugan ng mga bagay. Kung baga, iisa lamang ang sagot sa isang tanong at
ang ganitong klaseng pag-iisip ay ang
mas gusto ng mga Tsino.
Ngunit, iba naman ang epekto ng kulturang Pilipino sa pananaw ng mga Pinoy ukol sa sining at siyensiya. Labis na bukas ang mga Pinoy sa sining at sa mga AB na kurso. Halimbawa, noong nakaraang taon ay nabigyan ako ng pagkakataon na magturo sa mga batang Pilipino sa isang pampublikong paaralan. Walang isa sa mga batang ito ay hindi marunong kumanta, sumayaw, umarte, o tumula. Subalit, ang maganda sa mga Pinoy ay hindi sila sarado sa pagkuha ng isang BS na kurso kahit pinupuri nila ang sining. Sa gayon, sila ay nagkakaroon ng labis-labis na oportunidad.
Ngunit, iba naman ang epekto ng kulturang Pilipino sa pananaw ng mga Pinoy ukol sa sining at siyensiya. Labis na bukas ang mga Pinoy sa sining at sa mga AB na kurso. Halimbawa, noong nakaraang taon ay nabigyan ako ng pagkakataon na magturo sa mga batang Pilipino sa isang pampublikong paaralan. Walang isa sa mga batang ito ay hindi marunong kumanta, sumayaw, umarte, o tumula. Subalit, ang maganda sa mga Pinoy ay hindi sila sarado sa pagkuha ng isang BS na kurso kahit pinupuri nila ang sining. Sa gayon, sila ay nagkakaroon ng labis-labis na oportunidad.
Pangalawa,
ang halaga ng isang kurso ay naghihikayat din sa pananaw o personal na
opinyon ng isang tao. Ang malungkot dito ay kapag ang personal na opinyon na
ito ay apektado na ng mga opinyon ng iba. Tinanong
ko sa aking mga kaibigan na magtatapos na ng hayskul ang tanong na ito… “Anong kurso ang kukunin ninyo sa kolehiyo. AB
o BS?” Sagot nila sa akin "Ano ka ba? Malamang BS!" Tapos susundan
ito ng "Wait lang, ano ba ang pagkakaiba nila? Mayroon nga bang pagkakaiba?" Hindi ko alam kung matatawa ako
o magugulat na lang. Hindi pala nila alam ang kahulugan ng AB pero BS na kaagad
ang pipiliin nila. May kasabihan sa Ingles na "Stick with the status quo!". Parang naging isang "status
quo" na rin ang pagkuha ng BS sa kolehiyo. Ibig sabihin ay hindi na
tumitigil ang mga tao para magtanong. Maihahambing sila sa isang grupo ng mga
pato na sunodsunuran lamang.
Naririnig ng mga estudyanteng ito na mas mabuti ang BS. Mas matalino ka raw kapag BS ang kurso mo.
Magiging maganda raw ang trabaho na
mapapasukan nila kapag sila ay nagtapos ng BS Nursing, BS Management, BS HRM,at
iba ba. BS BS BS! Halos BS na lang ang naririnig ko.
Sabi ng
maraming tao na ang pera ay nasa BS. Kung gayon, ibig sabihin na mas lamang ka
kapag BS ang kurso mo. Sapagkat, hindi ba pera ang nagpapaikot sa mundo?
Sa gayon,
hindi mahirap madala sa kaisipan na higit na mahalaga ang isang BS na kurso.
Hindi rin naman nais ipahiwatig na mas mahalaga ang AB na kurso. Nakalimutan na
ata ng mga tao na kailangan natin ng balanse sa buhay. AB at BS.
Hindi
ganito...
Hindi rin
ganito...
Ganito ang nais ko
mangyari!
Alam natin
na may "longstanding divide" ang siyensya at ang sining. Katulad ng
mga parisukat sa larawan, magkaiba ang dalawa at kahit ano pa ang gawin natin
ay hindi talaga sila magiging magkapareho.
Ang pagkakaiba ng BS at AB ay ang nagbibigay
halaga sa bawa’t isa. Naniniwala ako na ang isang tao ay dapat may mga kaalaman sa siyensya AT sa panitikan sa kanyang edukasyon.
Magagamit ang elemento ng agham sa isang propesyong pangsining at gayon din sa
kabaligtaran.
Isang
halimbawa ng pagsasama ng agaham at sining ay tinatawag na "The Golden
Ratio". Sa alam natin, ang kagandahan ay nakabase sa ating sariling mga
sensibilidad. Subalit, sinasabi ng mga ilang siyentipiko na nasusukat ang
kagandahan gamit ang matematika. Napatunayan nila na kung may simetrya at
proporsyonado ang sukat ng mukha ng isang tao ay mas maganda ang taong ito.
Ang link na ito ay magbibigay paliwanag: The Golden Ratio
Ang
pag-aaral ng kagandahan gamit ang matematika ay isang paraan kung saan
nagsasama ang sining at ang agham. Posible nga ito. Sa katunayan, nais ko na
mag-aral sa ADMU dahil ang mga asignatura ay binubuo ng sining at ng agaham.
Binibigyan diin ang "core curriculum" at hindi lang ang mga madyor na
asignatura. Kasama sa "core curriculum" ang pilosopiya, aghambuhay, literatura, Filipino, sipnayan, sikolohiya, at iba pa. Para sa akin, higit na
magigiging mahusay ang isang tao kapag balanse ang dalawa sa kanyang buhay.
Sa Outliers, isang libro na isinulat ni Malcolm Gladwell, may binabanggit siyang ilang pinakamatanyag na
mga tao sa mundo. Iba-iba ang kanilang mga propesyon. May mga musikero,
milyonaryong negosyante, at mga
henyo sa pagdisenyo ng computer. Nabanggit niya sina Bill
Gates, the Beatles, J. Robert Oppenheimer, at
iba pa. Katibayan ang mga
taong ito na hindi mo kailangang pumili nang isang AB o kaya isang BS na kurso sa
kolehiyo para magtagumpay sa
buhay. Patas lang ang dalawang
ito.
Sa
kabuluhan, ang mga kursong AB at kursong BS ay parehong may kabuluhan sa edukasyon
ng isang tao. Ang dalawa ay nagbibigay timbang sa kaalaman at kakayahan ng
isang mag-aaral. Sa katunayan, maihahambing ito sa yin at yang na simbolo. Mahirap sila ipagsama. May mga
nagsasabi na hindi sila puwedeng
ipagsabay. Subalit, ako ay naniniwala na kapag
nahanap natin ang kanilang akma na posisyon ay magiging buo ang edukasyon.
Sunday, July 8, 2012
Sunday, June 24, 2012
Ang Panitikang Pilipino
Hi! Ako si alex at ito ang aking pananaw kinalaman sa panitikang Pilipino. :)
sir ito na po ang binago ko:) sana po okay na:)
Subscribe to:
Posts (Atom)